Bugtong

Bumubuka'y walang bibig, ngumingiti ng tahimik.

Maitim na parang tinta, Pumuputi di kinukula.

Letrang "C" naging "O", Letrang "O" naging "C".

Nang umalis ay lumilipad, Nang dumating ay umuusad.

Isa ang pinasukan, Tatlo ang nilabasan.

Bumili ako ng alipin, Mataas pa sakin.

Walang sala ay ginapos, Tinapakan pagkatapos.

Huminto ng pinakawalan, Lumakad ng talian.

Dala mo siya, Dala ka niya.

Bagama't nakatakip, ay Nasisilip.

Binatak ko ang isa, Tatlo ang sumama.

Ang laylayan ay masikip, Patalikwas pa ang lupi.

Pinilit na mabili, Saka ipinambigti.

Dalawang ibong marikit, Nagtitimbangan sa siit.

Maliit at malaki, Iisa ang sinasabi.

Ikinakabit ito sa regalo, Isinasabit sa buhok ni Amparito.

Ipinalilok ko at ioinalubid, Ngahigpitan ng kapit.

Minahal at inalagaan, Saka dinala sa labanan.



